^

Metro

Paglago ng ekonomiya, magtutuluy-tuloy - Vargas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Quezon City Councilor at dating three-term Congressman Alfred Vargas na magtutuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya dahil na rin sa  mga polisiya ng administrayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos na magbunga sa positibong 5.9% economic growth ng bansa, ang pinakamabilis na naitala sa Southeast Asia.

“Kamakailan lang ay nabalitaan natin ang good news sa ating ‘stellar third-quarter performance,’ na nilampasan pa ang growth forecast ng mga ekonomista. Ito’y sumasalamin sa pagsisikap ng ating pamahalaang iangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” ani Vargas.

Dagdag ni Vargas, kailangang suportahan ang paglago ng ekonomiya sa pagpapalawig ng whole-of-government approach sa paglikha ng mga kabuhayan, lalung-lalo na ang urban poor sector at mga vulnerable groups.

Binigay ni Vargas na modelo ang isinasagawa niyang comprehensive job and livelihood development programs sa Novaliches, Quezon City, sa pakikipagtulungan ng QC Social Services Development Department ng pamahalaang lungsod, DOLE, TESDA, at mga pribadong partners.

“Nagpapasalamat tayo sa ating City Government, sa ilalim ng ating mahusay na Mayora Joy Belmonte, sapagkat malaking priority sa kanya ang social services. Dahil dito, nabibigyan natin ng pagkakataong umunlad ang buhay ng ating kapwa QCitizens,” dagdag ni Vargas.

Pinapaalalahanan din ni Vargas na ang tagumpay na dulot ng pakikipagtulungang ito ay may kaakibat na tungkulin.

“Palagi nating sinasabi sa ating mga jobseekers, trainees, at aspiring entrepreneurs na kapag sila naman ang nakakaluwag sa buhay, mayroon tayong tungkuling tulungan din ang mga nasa ibaba. Sa pag-aakay natin sa isa’t isa, maisusuguro nating walang maiiwan,” ayon kay Vargas.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with