^

Metro

Babaeng angkas tumilapon mula sa Quezon Avenue flyover

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae ang sugatan at nagtamo ng bali sa braso nang tumilapon mula sa Quezon Avenue flyover matapos na mabangga ng dump truck ang kanilang motorskilo, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ni PCpl. Kenneth Refugia ng Quezon City Police District Traffic Sector 6 ang biktima na si Arlyn Ruby, 37, ng Brgy. Culiat Quezon City

Sugatan din ang security guard na driver ng motorsiklo na si Dionel Baclas Besa, ng Caloocan City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dump truck na si Afred Regala Muli, 44, ng Porac,Pampanga.

Batay sa imbestigas­yon, kapwa patungong northbound ang motorsiklo ng mga biktima at dump truck dakong alas-12 ng madaling araw kahapon.

Biglang umanong ku­mabig pakaliwa ang truck at nabangga ang mga biktima sa barrier at tumilapon sa ilalim ng flyover si Ruby habang bahagyang nasugatan si Besa.

Isinugod naman ng mga tauhan ng MMDA at QC Task Force Disiplina ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.

vuukle comment

QUEZON AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with