^

Metro

Houseboy kinasuhan sa pagnanakaw ng nasa P27 milyong halaga ng alahas at cash ng amo

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng National Bureau of Investugation (NBI) ang isang houseboy makaraang pagnakawan ng nasa P27.1 milyong halaga ng alahas at cash ang kanyang da­ting amo sa Quezon City.

Kasong theft ang iniharap ng NBI sa  city prosecutor’s office laban kay Aldrin Delos Santos, na sinasabing anim na taong nanilbihan bilang houseboy sa kanyang amo.

Nadiskubre lamang umano ng biktima ang pagnanakaw sa kanya isang buwan matapos na mag-resign si Delos Santos noong nakalipas a Setyembre sa dahilang aalagaan umano ang may sakit na ina.

Oktubre 5 nang madiskubre ang pagnanakaw nang mapansin ng amo nito na nawawala ang milyun-milyong halaga ng kanyang alahas.

Nadakip ang suspect noong Oktubre 26 nang bumalik pa ito sa bahay ng kanyang amo at muling magtangkang magnakaw sa pamamagitan nang pagdaan sa likurang pintuan patungo sa kuwarto ng biktima.

Nagtangka itong tumakas matapos pero nasakote rin ng NBI.

Narekober sa suspect ang nasa P27-M halaga ng alahas at P100,000 cash na inilagay sa paper bag at body bag.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with