^

Metro

Pagbaha sa Metro Manila dahil sa baradong drainages - MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbaha sa Metro Manila dahil sa baradong drainages - MMDA
A Manila Police District (MPD) mobile offers free ride to stranded commuters due to heavy flooding along Taft Avenue in Manila following a heavy downpour brought by the southwest monsoon strengthened by exiting super typhoon Goring on Thursday morning September 1, 2023.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ang mga baradong drainages pa rin sa Kamaynilaan ang pa­ngunahing dahilan ng naranasang pagbabaha sa maraming lugar nitong nakaraang linggo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Director Atty. Victor ­Nuñez na kinalampag na niya ang mga pinuno ng mga traffic management team na magkusa nang tingnan ang mga drainage kapag umuulan para agad na maaksyunan ng kanilang flood control team.

Ito ay makaraang makaranas ng matinding pagbubuhol ng trapiko ng halos buong linggo dahil sa mga baha na umabot sa ilang lugar ng hanggang hita.

“We called the attention of heads na kapag alam na nila ‘yung panahon, dapat they have to check ‘yung mga drainage kapag may nakabara and to call the command center para ma-inform ang aming flood control team,” ayon kay Nuñez.

Sa ngayon, nagpulong na ang matataas na opisyal ng MMDA para sa pagbuo ng ‘flood mitigation strategy’ at paghahanda ng mga alternatibong ruta oras ng matinding trapiko na idudulot ng pagbabaha.

vuukle comment

FLOOD

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with