^

Metro

Mahigpit na inspeksyon sa mga negosyo sa residential areas, iniutos ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mahigpit na inspeksyon sa mga negosyo sa residential areas, iniutos ni Mayor Joy
Quezon City Mayor Joy Belmonte
QC Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Mariing ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Business Permits and Licensing Department (BPLD), Department of Building Official (DBO), Zoning Administration Unit, at sa  Quezon City Fire District  (QCFD) ang malalimang pagbusisi sa mga negosyo na nasa loob ng mga subdibisyon at ibang  residential areas sa Quezon City.

Ang hakbang ay ginawa ng alkalde nang maganap ang malagim na sunog sa loob ng Pleasant View Subdivision, sa Brgy. Tandang Sora nang ang isang  residence-turned-ma­nufacturing building ay lamunin ng apoy na nag­resulta ng pagkamatay ng 15 katao kasama dito ang tatlong gulang na bata.

“Ang trahedyang ito ay naiwasan sana kung walang palusot at panlilinlang na nangyari. Buhay ang naging kapalit ng hindi tamang pagsunod sa ating mga batas at regulasyon. Hindi natin ito hahayaang maulit. Mananagot ang dapat managot, at isasara natin ang dapat isarang negosyo na hindi sumusunod sa tama,” babala ni Belmonte.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang 200 square meter-building ay ginamit na t-shirt printing house malayo sa nai­deklarang 15 square meter na negosyo para sa ready to wear clothes, garments, at bags na naiprisinta sa BPLD nang mag-aplay dito ng Business Permit.

Ayon sa DBO, ang gusali ay walang building permit na nakapangalan sa may-ari at address. Ang shop umano ay nakapangalan lamang sa “MGC Wearhouse Inc.” na naka- rehistro ang negosyo mula 2013.

Dahil sa automation at ease of doing business implementation sa QC, ang negosyo ay hindi maaaring mag -operare sa loob ng subdibisyon kayat pinalilipat ito ng lugar noong April 2023.

“Kalunos-lunos ‘yung nangyaring sunog na hindi mangyayari kung tama sana ang idineklarang negosyo ng korporasyon. Mas hihigpitan pa natin ‘yung proseso at assessment bago makakuha ng permit lalo na para sa mga negosyong nakatayo o itatayo sa loob ng subdivisions o high-density residential areas,” ayon pa kay Mayor Joy.

Nagbuo na rin ang City Legal Department ng isang Special Panel of Investigators na magsasagawa ng imbestigasyon sa insidente at oras na makakita ng paglabag sa batas ay agad na kakasuhan ang mga opisyales ng natu­rang kompanya.

Inatasan din ni Mayor Belmonte si Quezon City Attorney Niño Casimiro na bigyan ng legal assistance ang mga survivors at pamilya ng mga biktima laban sa MGC Wearhouse, Inc.

“Tinitingnan din natin ‘yung posibleng kamalian o pagkukulang ng government personnel na humahawak ng mga ganitong permit o dokumento. Kahit ang mga taga-lokal na pamahalaan, barangay at homeowner’s association, titingnan natin kung may kapabayaan. Imo-mo­nitor na rin natin ‘yung mga negosyo na dumaraan sa mga Homeowners Association at mga barangay,”dagdag pa ni Belmonte.

Nagkakaloob naman ng tulong ang City’s Social Services Deve­lopment Department sa mga pamilyang biktima ng sunog habang ang PNP-SOCO ay nagsasagawa ng sari­ling imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

DBO

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with