^

Metro

BJMP, itinanggi na may bubog sa pagkain ng Malabon jail inmates

Ni Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
BJMP, itinanggi na may bubog sa pagkain ng Malabon jail inmates
Several objects and broken glass are scattered at the gate of Malabon City Jail after some inmates engaged in a noise barrage causing damage to the jail’s window glass on June 23, 2023.
Photos by Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  ang alegasyon ng mga bilanggo sa Malabon City jail na may  ‘bubog’ sa ibinibigay na pagkain ng mga ito.

Sa panayam  kay BJMP spokesperson  Chief Insp. Jayrex Joseph Bustinera, hindi bubog ang nakikita sa kanin na supply sa mga inmates kundi mga  maliliit na bato na kasama sa  bigas.

Ayon kay Bustinera, nanggagaling sa National Food Authority (NFA) ang kanilang supply ng bigas upang maiwasan ang  anumang anomalya at isyu.

Gayunman, sinabi ni Bustinera na inutos ni BJMP director Chief Supt. Ruel Rivera ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng mga inmates.

Ani Bustinera kapakanan pa rin ng mga inmates ang prayoridad ng BJMP kaya mananagot ang dapat managot.

Pangungunahan aniya ni BJMP NCRPO director Chief Supt. Efren Nemeño ang pagsisiyasat kung saan posibleng ipatawag ang ilang kinatawan mula sa NFA.

Lumitaw   aniya ang isyu na pinapakain ng bubog ang mga inmates kasunod ng noise barrage hinggil sa paglilipat ng magkapatid na sina Anthony at Danilo Francisco na kapwa may kasong  illegal drugs at mayores  ng grupong “Sputnik” gang. Ang mga ito ay inilipat sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ang paglilipat sa magkapatid ay sa bisa ng court order.

vuukle comment

JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with