^

Metro

Grade 7 student patay sa saksak ng kaklase sa iskul

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
Grade 7 student patay sa saksak ng kaklase sa iskul
Kinilala ang nasawi na si Mohammad Abtani Alfhasi, 13, tubong-Jolo, Sulu at residente ng Basilan St., Salaam Compound, Brgy. Culiat, sa lungsod.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang grade 7 student makaraang saksakin ng kanyang kaklase sa loob mismo ng paaralan na pinapasukan nito, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Mohammad Abtani Alfhasi, 13, tubong-Jolo, Sulu at residente ng Basilan St., Salaam Compound, Brgy. Culiat, sa lungsod.

Nadakip naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na kaklase ng biktima na 15-anyos, ng Cotabato St., Salaam Compound, ng nasabing barangay.

Base sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Culiat High School, ng Brgy. Culiat.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na dati nang mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa selos na siyang sinisilip na dahilan upang saksakin ng suspek ang biktima. Sinubukan pang itakbo sa New Era General Hospital, pero dineklara itong dead on arrival.

Nakapiit na ang suspek at inihahanda ang kasong kakaharapin nito.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with