^

Metro

PNP itinanggi ang profiling sa mga raliyista

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na nagsasagawa sila ng profiling sa mga nagrarali sa Commission on Elections (Comelec) matapos  ang halalan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Ro­derick Augustus Alba, walang katotohanan ang mga alegasyon na minamarkahan nila ang mga lumalahok sa kilos protesta.

Aniya, bahagi ng trabaho ng mga pulis na kumuha ng litrato dahil inilalagay ito sa situation report ng PNP.

Nilinaw ni Alba na hindi naman  tinutukoy ng partikular ang bawat indibiduwal sa pagkuha ng larawan.

Nagagamit din aniya ang mga situation report na ito bilang basehan ng pagpaplano ng deployment.

Giit ni Alba, trabaho ng pulis na panatilihin ang kapayapaan at siguraduhin na ang anumang kilos protesta ay hindi mauwi sa karahasan.

Sa kabila nito, sinabi ni Alba na ginagalang ng PNP ang karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin, at ipinapatupad ng mga pulis ang “maximum tolerance”.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with