^

Metro

Aktor na si Diether Ocampo sugatan: SUV salpok sa trak ng basura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Aktor na si Diether Ocampo sugatan: SUV salpok sa trak ng basura
Inilalabas sa kanyang minamanehong sasakyan ang aktor na si Diether Ocampo ng mga tauhan ng Philippine Red Cross matapos itong masangkot sa aksidente sa may Osmeña Highway sa Makati City kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sugatan ang aktor na si Diether Ocam­po nang sumalpok ang minamanehong sasakyan sa naka­paradang truck ng basura sa may  President Osmeña Highway, Makati City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng San Isidro Sub-station ng Makati City Police Station, dakong ala-1:40 ng madaling araw kahapon nang maganap ang aksidente sa  service road, southbound lane ng Pres. Osmeña Highway, panulukan ng Vanburen Street, Barangay Pio Del Pilar.

Sa ulat  ni P/Corporal Dan Sherwin Joven, nakahimpil ang garbage truck na minamaneho ng isang Lauro Del Rosario Bañaga, 41, nang salpukin ng itim na Ford Expedition na minamaneho ng aktor na si Diether O. Pas­cual o Diether Ocampo.

Bandang alas -3:35 ng madaling araw nang dalhin ang driver ng garbage truck sa police sub-station para sa imbestigasyon at pinuntahan naman sa Makati Medical City ang aktor na isinugod doon ng mga tauhan ng Philippine Red Cross.

Lumilitaw sa inis­yal na imbestigasyon, binabagtas ng aktor ang service road ng Osmeña Highway na nagmula sa Senator Gil Puyat Avenue, at patungo sana sa EDSA-Magallanes nang bumangga sa rear portion ng truck ng basura, na pansamantala umanong nakahinto dahil kumokolekta ng mga basura.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa mga nangongolek­ta ng basura subalit nasira ang hulihang bahagi ng truck.

Nawasak din ang nguso o unahang bahagi ng Ford Expedition ng aktor.

Inaalam pa kung may kakaharaping reklamo ang aktor o ang driver ng basura.

vuukle comment

DIETHER OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with