^

Metro

Lalaking sakay ng sportscar, kinidnap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masusing imbestigasyon  ang ikinasa ng Manila Police District (MPD) makaraang isang lalaki na sakay ng isang sportscar ang dukutin ng nasa apat na kalalakihan lulan naman  ng dalawang ‘sports utility vehicles (SUVs)’ sa Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng MPD-Malate Police Station 9, dakong alas-4:47 nang maganap ang insidente sa kanto ng San Andres at MH Del Pilar Street sa Malate.

Isang saksi ang nagsabi sa mga pulis na nakita niya ang biktima na sakay ng kulay gray na BMW   na dinukot at isinakay ng nasa apat na salarin sa isa sa dalawang SUV at humarurot sa pagtakas patungo sa direksyon ng P. Quirino Avenue.

Agad na rumesponde sa lugar si Malate Police Station commander PLt Col Rodel Borbe kasama ang mga tauhan habang nagsagawa ng “backtracking” ng mga footages ng CCTV sa lugar ang kanilang Intel Unit.

Humingi na ng tulong ang MPD sa Land Transportation Office (LTO) para maberepika ang mga impormasyon ng BMW sportscar para mabatid kung kanino ito nakarehistro.  Sinusuri na rin ito ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nabatid na basag ang windshield ng sasakyan at may mga gasgas din ang bumper nito na posibleng sinadyang banggain ito ng mga salarin.

vuukle comment

SUVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with