^

Metro

Lola, 3 pa huli sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola, 3 pa huli sa droga
Ayon kay Navotas City Police Chief P/ Col Dexter Olaging, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy- bust operation sa Paltok St., Brgy., Daang Hari kung saan nagawang maki-pagtransaksyon ng isang poseur buyer sa target na si John Mervin Luchico, alyas Nog-nog, 30. Nang tanggapin ni Luchic
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang 63-anyos na lola at tatlo pang hinihinalang ‘tulak’ ng droga matapos makum­piskahan ng mga awtoridad ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City, Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Navotas City Police Chief P/ Col Dexter Olaging, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy- bust operation sa Paltok St., Brgy., Daang Hari kung saan nagawang maki-pagtransaksyon ng isang poseur buyer sa target na si John Mervin Luchico, alyas Nog-nog, 30.

Nang tanggapin ni Luchico ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad itong dinakma ng mga operatiba, kasama si Rommel Tablan, 24, na nakumpiskahan  ng hinihinalang shabu.

Nasamsam sa mga suspect ang tinatayang nasa 22 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P149,600.00.

Bandang  ala-1 naman ng madaling araw nang sumunod na maaresto  sa R-10, Brgy. NBBN si Fe Ramirez, 63,  at Ruben Cañeda, 54.

Narekober mula sa mga ito ang tinatayang nasa 8.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P55,760.00.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga nadakip na suspect.

vuukle comment

SDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with