^

Metro

Street sweeper binurdahan ng saksak ng pamangkin, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Street sweeper binurdahan ng saksak ng pamangkin, todas
Namatay noon din ang biktimang si Artjhan Mijares, ng KBS Compound, Kapanalig St. Brgy. 22 ng lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahilan lamang sa simpleng pagtatalo, patay ang isang 29-anyos na street sweeper makaraan itong pagsasaksakin ng kaniyang pamangkin sa  Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Artjhan Mijares,  ng KBS Compound, Kapanalig St. Brgy. 22 ng lungsod  sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspect na kinilalang  si Jefferlon Amigan, 20, ng nabanggit ding lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Rolando King Bautista , bandang alas- 11 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng pamangkin nito.

Ayon kay Bautista, magtatapon sana ang biktima ng kanilang basura bandang alas-11:30 ng gabi sa Talakitok Street nang sundan umano ito ng kanyang pamangkin na armado ng patalim at pinagsasaksak ng sunud-sunod sa katawan.

Bagaman sugatan ay nagawang makatakbo ni Mijares subali’t hinabol pa ito ng suspect at muling inundayan pa ng mga saksak.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspect.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen at patuloy rin ang pagtugis laban sa suspect.

vuukle comment

KBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with