^

Metro

Chinese na nasabuyan ng asido, pumanaw na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyang nasawi sa loob ng pagamutan ang 40-anyos na Chinese national na nasabuyan ang sarili ng asido sa gitna ng away niya sa kaniyang nobya kamakailan sa Ermita, Maynila.

Dakong alas-9:45 ng umaga nitong Sabado nang malagutan ng buhay sa Manila Doctor’s Hospital si Chung Wei Chiang, ng Adriatico St. Ermita.

Sa rekord ng pulisya, Disyembre 3 nang mag-away sina Chung at nobya na si Robie Mae Garcia sa loob ng tinutuluyang condo unit sa Ermita.

Dito sinabuyan ng dayuhan ng asido ang kaniyang nobya na nagawang masalag ito kaya natapunan rin si Chung ng likido.

Rumesponde ang mga pulis at inabutan si Garcia na puno ng paso sa katawan habang nasa bathtub si Chung na napaso rin ng asido. Agad silang isinugod sa pagamutan kung saan nalagay sa kritikal na kundisyon ang Tsino hanggang sa masawi siya nitong Sabado.

Nakaratay pa rin sa pagamutan si Garcia na unang nagsampa ng kasong Frustrated Murder laban sa nobyo.

vuukle comment

ASIDO

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with