^

Metro

Ongpin nagpasaklolo sa DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo sa Department of Justice (DOJ) si Julian Ongpin bunsod ng drug case na isinampa laban sa kanya sa isang korte sa La Union.

Batay sa 32-pahinang petition for review na inihain sa tanggapan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, binigyang diin ni Ongpin na walang ebidensyang susuporta sa findings ng DOJ panel na sa kanya ang umano’y cocaine na narekober sa silid ng isang hostel na naging dahilan upang masampahan siya ng kasong paglabag sa Section 11 (possession of illegal drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi rin aniya nakita ng lupon ng mga piskal na ang sinasabing droga ay nakuha kasama ng mga gamit na hindi naman sa kanya. Sa kanyang petisyon, nagpakita rin si Ongpin ng mga larawan na kuha sa isinagawang crime scene investigation kung saan dito aniya makikita na ang hinihinalang droga ay nasa loob ng isang bag na naglalaman naman ng medication o reseta para sa isang “Breanna Patricia Agunod” na natukoy paglaon na si Bree Jonson na natagpuang walang malay sa silid at kalauna’y idineklarang dead on arrival sa isang ospital.

Dahil aniya sa mga nasabing lapses, inihirit ni Ongpin sa DOJ na isantabi ang ruling ng kagawaran na may kinalaman sa kanyang drug case at tuluyan itong ibasura.

Hiniling din ni Ongpin na bawiin ang Precautionary Hold Department Order (PHDO) na inisyu rin ng naturang korte. Si Ongpin ay anak ni dating Trade secretary at businessman Roberto Ongpin.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with