^

Metro

Quezon City police selyado nang nakabantay sa mga sementeryo, kolumbaryo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Selyado nang nakabantay ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga sementeryo at columbaria sa paggunita sa Undas.

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Antonio Yarra na kahit na sarado ang mga sementeryo mula kahapon Okt. 29 hanggang Nob.2, 2021  para makaiwas sa banta ng COVID-19 ay patuloy na  nakabantay  ang may 2,686 na mga tauhan ng pulisya hindi lamang sa mga sementeryo, kundi maging sa ibat- ibang  public transport terminals, malls, parks, at iba pa para sa  crime prevention.

Magiging todo-bantay din ang mga sementeryo at columbaria pagkatapos ng closure date dahil sa inaasahang muling pagdagsa dito ng mga tao.

Gayunman para maiwasan ang hawaan ng virus dito, limitado lamang sa 60 percent capacity sa loob at 80 percent sa outdoor ng venue capacity.

Anya may Police Assistance Desks (PADs) sa lahat ng sementeryo at columbaria na magkakaloob ng  tulong para sa mga taong tutungo doon.

Round the clock din na magpapatrulya ang mga pulisya sa Undas sa kani-kanilang mga area of responsibility.

 

vuukle comment

CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with