^

Metro

Model na nahuli sa traffic violation, nabisto na drug courier pala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabisto ang lihim ng babaeng model na nag-viral matapos saktan ang humuli sa kanyang traffic enforcers sa Maynila nang madiskubreng isa umano siyang drug courier na nagresulta rin sa pagkakadakip sa apat niyang kasabwat sa isang entrapment operation sa Ermita, kahapon ng hapon.

Kinilala ni Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) chief, Lt. Col Rosalino Ibay Jr. ang mga bagong nadakip na sina Rendor Sanchez, 30; Leopoldo Salamero, 20; Jason Dela y So-riano, 29; at Marlon De Guzman, 29, pawang mga residente ng Banlic, Calamba, Laguna.

Unang inaresto ng pulisya ang nagpakilalang modelo na si Pauline Mae Altamirano, alyas Maria Hola,  ng Taguig City dahil sa isang traffic violation sa may Osmeña Highway at pananakit sa isang traffic enforcer nitong nakaraang Huwebes.

Habang nasa loob ng tanggapan ng MPD-SMaRT, nadiskubre sa kanyang bag ang nasa limang gramo ng hinihinalang shabu na nagka­kahalaga ng P34,000. 

Dito na isinailalim sa interogasyon ng mga pulis si Altamirano hanggang sa itinuro ang mga kasamahan saka nagkasa ng entrapment operation.

Nagpadala ng mensahe si Altamirano sa apat na suspek para magtungo sa presinto at kunin ang kanyang bag.  Nang dumating ang apat na suspek, dito na sila sinakote ng mga pulis.

vuukle comment

TRAFFIC VIOLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with