^

Metro

Lider ng crime group, utas sa shootout

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lider ng crime group, utas sa shootout
Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. John Teody Siguen ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 8;30 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa bahay ng suspect.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasawi ang  lider ng ‘Tiatco Crime Group’ na sangkot sa pagpaslang sa isang tauhan ng Manila Police District (MPD) nang manlaban habang isinisilbi sa kanya ang warrant of arrest kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawing suspect na si Rommel Tiatco, 20, ng Inocencio St., Tondo.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. John Teody Siguen ng MPD-Homicide Section,  dakong alas- 8;30 ng umaga kahapon  nang maganap ang insidente sa bahay ng suspect.

Nabatid na isisilbi ng   pinagsanib na puwersa ng DID, SMaRT, District Special Operations Unit (DSOU),  District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU), Homicide-CIS at Raxabago Police Station sa bahay ni Tiatco ang warrant of arrest nang matunugan ng huli na may paparating na mga pulis at agad na kumuha ng baril at pinaputukan ang mga papalapit na awtodidad.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspect.

Batay naman sa rekord ng Homicide Section, si Tiatco ay suspek sa pagpatay kay P/Staff Sgt. Danreb Cipriano na naganap noong Oktubre 15, 2020 sa Vitas, Tondo, Maynila. Siya ay nasampahan ng kasong murder noong Nob­yembre 18, 2020.

Nalaman din na si Tiatco at grupo nito ay sangkot sa serye ng basag-kotse at motornapping sa Meto Manila, Batangas at Cavite.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with