^

Metro

Artists pagpintahin sa mga pader sa Pasig River, EDSA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Giit sa MMDA

MANILA, Philippines — Para masuportahan sa kabuhayan matapos mawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya, nanawagan si Sen. Sonny Angara sa National Commission on Culture and Arts (NCCA) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na pagpintahin sa mga dingding sa Pasig River at EDSA ang mga “artist”.

Sinabi ni Angara, chairman ng Committee on Finance, na mayroong ongoing program ang MMDA sa kahabaan ng Pasig River bilang rehabilitation effort kaya dapat kunin nito ang mga pintor para magpinta ng murals sa mga dingding at banks.

Dapat din umanong irekomenda ng NCCA ang ilang artist na kailangang ikomisyon sa MMDA para mayroon silang source of income dahil tiyak umanong apektado rin ang kanilang mga trabaho dulot ng pandemya.

Nitong Agosto ay nagbigay ng one time cash assistance na P5,000 hanggang P10,000 ang NCAA para sa mga artists.

Bukod sa Pasig Ri­ver banks, dapat ding ikonsidera ng MMDA na kunin ang mga artist na magpinta sa mga dingding ng mga pa­ngunahing lansangan sa Metro Manila tulad ng EDSA.

vuukle comment

MMDA

PASIG RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with