^

Metro

Truck ban at number coding lifted pa rin sa GCQ areas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Truck ban at number coding lifted pa rin sa GCQ areas
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hindi muna iiral ang truck ban upang hindi mabalam ang galaw ng kalakal at ang number coding naman ay hindi muna ipatutupad hangga’t hindi pa naibabalik sa normal ang public transportation.
Freeman/File

MANILA, Philippines — Walang truck ban at nananatiling ‘lifted’ ang number co­ding schemes sa mga sasakyan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hindi muna iiral ang truck ban upang hindi mabalam ang galaw ng kalakal at ang number coding naman ay hindi muna ipatutupad hangga’t hindi pa naibabalik sa normal ang public transportation.

Aniya, mismong ang Department of Trade and Industry (DTI) ang umapela sa MMDA na payagan muna ang mga truck na makapagbiyahe ng essential goods o pagsuspinde ng truck ban kaya’t maging ang iba pang kalakal ay hindi rin binabawalan kabilang na ang construction materials,

“Truck ban na oras, wala na po muna ‘yan. Essential, lalo na medisina, pagkain, basura kahit lahat ng industriya na pinapayagan during ECQ pinapayagan na po ‘yan. Ultimo construction materials allowed po ‘yan,” aniya pa.

Gayunman, pinaalalahanan din ni Garcia ang mga truck drivers na dapat na manatili lamang sila sa itinalagang lane upang hindi maging magulo ang daloy ng trapiko.

Samantala, idinagdag pa ni Garcia na may ilang lokal na pamahalaan naman na nagpapatupad ng sarili nilang modified coding.

Nakiusap sa lahat ng motorista si Garcia na sumunod sa batas trapiko.

vuukle comment

CODING SCHEME

MMDA

TRUCK BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with