^

Metro

Tanod, timbog sa P1 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tanod, timbog sa P1 milyong shabu
Ayon kay DDEU Chief, PMAJ Timothy Aniway Jr., bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng suspek.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Timbog ang isang ba­ra­ngay tanod matapos na mahulihan ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Brgy. UP Campus, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, B/Gen Ronnie Montejo ang suspek na si Teng Macalbog, 47, ng Brgy. Maharlika, Taguig City.

Ayon kay Montejo, si Macalbog at naaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) dakong alas-5:20 ng madaling araw sa Katipunan Avenue, malapit sa kanto ng CP Garcia  Ave., sa Brgy. UP Campus.

Ayon kay DDEU Chief, PMAJ Timothy Aniway Jr., bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng suspek.

Kaagad naman uma­nong ikinasa ang buy-bust operation, kung saan isang pulis ang umaktong poseur buyer at bumili ng P300,000 halaga ng shabu mula sa suspek.

Nang magpositibo ang transaksiyon ay kaagad na inaresto ang suspek na nakumpiskahan ng 150 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,020,000, isang cellular phone, isang matte black Yamaha Mio Soul motorcycle at ang buy-bust money.

Ang suspek ay detenido na at sasampahan ng ka-song paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

RONNIE MONTEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with