^

Metro

‘Nanloloko sa SAP form ibubunyag’ - Mayor Tiangco

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Navotas City Mayor Toby Tiangco na ibubunyag niya ang mga indibiduwal na nanloloko at nagsisinungaling sa  Social Amelioration Program (SAP) form para lamang mapabilang sa programa.

Sa kanyang Facebook live nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni Tiangco na nakatanggap siya ng mga report na may mga residenteng nakasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP pero galing sa may-kayang pamilya.

Aniya, maaaring ipadala ang pangalan at address ng mga nagsisinungaling sa SAP form sa pamamagitan ng pag-text sa JRT numbers o sa Navoteño Ako Facebook page upang mapaimbestigahan.

Maaaring magpadala ng mensahe sa 0915-2601385 para sa Globe, 0908-8868578 para sa Smart at 0922-8888578 para sa Sun.

“Naiintindihan natin na lahat ay apektado ng krisis, pero may mga pamilyang medyo nakaaalwan sa buhay at meron namang walang-wala. Kung nagsinungaling kayo sa SAP form, hindi lang gobyerno ang niloko n’yo. Dinaya n’yo rin ang kapwa Navoteño na naghihikahos at nananawagan ng tulong,” sabi ni Tiangco.

vuukle comment

TOBY TIANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with