^

Metro

1 pang prostitution den sa Makati ni-raid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Makati City ang tatlong Chinese nationals na naabutan sa loob ng isang spa na front ng prostitusyon kung saan 12 babaeng therapist ang nailigtas kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Nadakip ng mga pulis ang maintainer at umaaktong cashier na si Jeanalyn Fausto, 30, habang hindi muna kinilala ang tatlong Chinese nationals na hinihinalang kustomer ng spa.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:40 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng Makati City Police- Station Investigation and Detective Management Section at Women and Children’s Desk ang SPA Osaka na nasa Gen. Luna corner Mariano St., Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Isang pulis ang nagpanggap na kustomer at nang magbigay ng hudyat, pinasok na ng mga pulis ang naturang spa at inaresto ang naabutang cashier habang iniligtas umano ang mga babae na nagtatrabaho roon.

Bukod sa marked money, nakuha rin sa show room ng spa ang iba’t ibang klase ng sex toys.

Nabatid na maaaring makapag-book ng babae sa social media at website ng naturang spa sa halagang P2,500 hanggang P5,000. Depende ito sa uri ng babae at serbisyong ibibigay.

vuukle comment

PROSTITUTION DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with