^

Metro

Prostitution den ni-raid: 17 dayuhan arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang 17 lalaking Chinese at Taiwanese nationals kabilang ang may-ari ng isang prostitution den kung saan nasa 13 babaeng Pinay ang nailigtas sa ginawang pagsalakay ng pulisya, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nasa kustodiya ngayon ng Makati City Police Station ang sinasabing may-ari at operator ng KTV Bar na ginagawang sex den na kinilalang si Shih Fang Chen, isang Taiwanese national maging ang nasa 16 na mga tauhan at kustomer. 

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng madaling araw nang isagawa ang pagsalakay sa 101 KTV bar na nasa SR Makati Palace Hotel sa may P. Burgos Street sa Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod. 

Dito inabutan sa mga VIP rooms ang mga dayuhang kustomer at mga Pinay entertainers.  May mga narekober na condom umano sa mga kuwarto tanda na may nagaganap na pagtatalik.

Sinabi ni Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon na nakatanggap sila ng impormasyon na talamak ang prostitusyon sa KTV bar habang wala ring sapat na Business Permit buhat sa lokal na pamahalaan. 

Inihahanda ngayon ng pulisya ang pagsasampa ng kasong human trafficking laban sa may-ari at ibang tauhan ng naturang KTV bar sa Makati City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PROSTITUTION DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with