^

Metro

Senior, 3 kasamahan kalaboso sa P.2 milyong droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Kalaboso ang isang senior citizen at tatlo nitong kasab-wat nang masakote ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang lolo na si Mario Lacap, 61-anyos ng Caloocan City; at tatlong kasama na sina Florde-liza Dimaano, 54, Peejay Dela Cruz, 39, kapwa ng Brgy. Unang Sigaw at Fritz Dimaano, 29, ng Brgy. Baesa, Quezon City.

Ang apat ay nadakip dakong ala-6:30 ng gabi sa Balintawak overpass, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Si Lacap at Flordeliza ay dati nang may kinakaharap na drug case at nang makum­pirma ng mga otoridad na muli silang bumalik sa kanilang bawal na pagbebenta ng droga kaya isinagawa ang buy- bust operation laban sa kanila.

Nakuha mula sa mga suspek ang 4,500 na buy-bust money, 10 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng  P204,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang apat sa detention facility ng QCPD ay nahaharap ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DISTRICT DRUG ENFORCEMENT UNIT

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with