15 modernong PUV ng Isuzu, itinurn-over sa Pasang Masda
MANILA, Philippines — Ang pamunuan ng Isuzu Philippines katuwang ang Department of Transportation (DOTr) ang nag-turn-over ng 15 bagong jeepney unit sa grupo ng Pasang Masda na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Pinangunahan si DOTr Sec. Arthur Tugade at mga opisyal ng Isuzu Philippines ang ceremonial turn-over sa nasabing mga bagong sasakyan.
Magkatulong na ininspeksyon nina Tugade at Pasang Masda President Ka Obet Martin ang mga makabago, komportable at environment-friendly na jeepneys, na ilulunsad sa publiko.
Ilan sa mga features ng mga ito ay ang global positioning system (GPS), closed-circuit television (CCTV), libreng internet connection, automated fare collection system, at side entrance.
Nabatid na ang mga nasabing modern jeeps na gawa ng Isuzu Philippines ay tatakbo sa rutang Nichols-Magallanes-Mall of Asia- PITX at pabalik.
- Latest