^

Metro

Taguig naglaan ng P15 milyong tulong sa Mindanao

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng P15 milyong pondo bilang calamity assistance para sa mga lungsod at munisipalidad na tinamaan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod kama­kalawa ang resolusyon para sa pagpapalabas ng naturang pondo bilang pagtugon rin sa panawagan ni Pangulong Rodri­go Duterte na tumulong ang ibang lokal na pamahalaan sa Davao del Sur at North Cotabato na nagdeklara na ng “state of calamity”.

Nakasaad sa resolusyon na ipadadala ang tulong sa mga pinakama­tinding tinamaan ng lindol tulad ng Lungsod ng Digos, Magsaysay, Bansalan, Sta. Cruz, Hagonoy, Kabilawan, Malalag, Matan-o, Padada, Sulop, Lungsod ng Kidapawan, Makilala, Magpet, M’lang, Tulunan, lalawigan ng North Cotabato at Davao del Sur.

Bukod dito, nag-alay din si Mayor Lino Caye­tano ng dasal at pakikiramay para sa pamilya ng nasa 20 tao na nasawi sa lindol, sa mga nasugatan, at nawalan ng tahanan at ari-arian.

vuukle comment

TAGUIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with