^

Metro

Misamis Occidental mayor arestado dahil sa panggugulpi

James Relativo - Philstar.com
Misamis Occidental mayor arestado dahil sa panggugulpi
Paliwanag ng biktimang si John Dueñas, sinuntok siya sa dibdib ni Navarro bago tuhurin sa likod nang malamang walang bakanteng babaeng masahista sa kanilang spa noon.
The Freeman/Rowena Capistrano

MANILA, Philippines — Nasakote sa Cebu City ang isang alkalde matapos diumanong saktan ang ilang empleyado ng isang massage parlor.

Ang tinutukoy na suspek ay si Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Sa ulat ng The Freeman, sinabi na binugbog ni Navarro ang massage parlor attendant at nang-harass diumano ang isang babaeng therapist.

Paliwanag ng biktimang si John Dueñas, sinuntok siya sa dibdib ni Navarro bago tuhurin sa likod nang malamang walang bakanteng babaeng masahista sa kanilang spa noon.

Inireklamo rin si Navarro ng isa pang babaeng masahista dahil inutusan daw siyang gumawa ng kalaswaan, ayon sa ulat ng GMA News.

Kanina, inaasikaso naman ng isang medical personel ang mayor matapos maiulat na sumirit ang presyon ng kanyang dugo.

Ayon sa hepe ng Abellana Police Station na si Eduard Sanchez, hiniling ni Navarro na mailagay sa hospital arrest ngunit hindi ito pinaunlakan.

Aniya, iniutos daw ng kanyang regional police director na huwag bigyan ng special treatment ang alkalde.

Haharap din sa mga kaso ang tatlo niyang kasama, sabi ni Sanchez. — may mga ulat mula kay The Freeman/Rowena Capistrano

vuukle comment

DAVID NAVARRO

MASSAGE PARLOR

MISAMIS OCCIDENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with