^

Metro

Tulong ng mga may-ari ng negosyo sa Quezon City giit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang linggo bago ang naitakdang deadline para sa  60-day clearing operations, hiniling ng Transport and Traffic Management ng Quezon City ang tulong ng mga business establishments para maipagbawal ang illegal parking at obstructions sa kanilang mga istruktura.

 Ayon kay Atty. Ariel Inton, hepe ng QC Task Force for Transport and Traffic Management, kailangan ng lokal na pamahalaan ang suporta ng mga private  business establishments sa buong lunsod upang makatulong ng husto sa hangarin ng pamahalaang-lunsod ng Quezon City na mawalis ang mga gumagamit ng bangketa. Ang bangketa anya ay para  sa mga pedestrians at hindi para gamiting illegal parking.

Anya, bilang pagtalima ng lokal na pamahalaan sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga public roads at sidewalks sa mga obstructions, may halos 90 percent na ng mga pangunahing lansangan, Mabuhay Lanes, at vital secondary roads  ang nalinis na sa lunsod.

Hinikayat ni Inton ang mga business establishment owners na payuhan ang kanilang security guards kung paano ang tamang paglalagay ng mga customers, sa mga naitalagang parking areas. Ang mga security guards anya ang may dahilan kung bakit hindi naaayon sa tamang lugar ang paglalagay ng sasakyan ng kanilang mga customers. 

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with