^

Metro

Trans woman pinosasan, ikinulong!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Trans woman pinosasan, ikinulong!
Bagama’t pinalaya rin matapos na iurong ang kasong unjust vexation complaint laban dito, sinabi ni Gretchen Custodio Diez, 28, na siya ang magsasampa ng laban sa Farmers Plaza mall na nasa Araneta Center sa Cubao sa nabanggit na lungsod.
facebook

Matapos gumamit ng pambabaeng cr

MANILA, Philippines — Isang transgender wo­man ang pinosasan at ikinulong ng pulisya matapos na makakomprontasyon ang isang janitress dahil sa paggamit ng una ng pambabaeng comfort room sa isang mall sa Que­zon City.

Bagama’t pinalaya rin matapos na iurong ang kasong unjust vexation complaint laban dito, sinabi ni Gretchen Custodio Diez, 28, na siya ang magsasampa ng laban sa Farmers Plaza mall  na nasa Araneta Center sa Cubao sa nabanggit na lungsod.

Si Diez, isang human resource director ng isang call center company ay pinagbawalan umano ng janitress na si Chayra Ganal na gumamit ng pambabaeng CR.

“I will still fight for what is right ‘yung violation against sa city ordinance sa Quezon City. Papatunayan natin sa lahat na may pangil ang batas na may karapatan po tayo na gamitin at magkaroon ng access sa pampublikong lugar,” pahayag ni Diez.

Sinabi pa ni Diez na nang tanungin niya ang janitress kung bakit siya bawal gu­mamit ng female CR ay sinimulan niyang i-record ang ginagawa sa kanyang harass­ment, dito nagalit ang janitress kung saan hinila siya sa security office at makailang ulit umanong tinapik ang kanyang cellphone na nagre-record sa pangyayari.

Hindi nagtagal pino­sasan na siya at dinala sa police station.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng mall kasabay nang pagsasabing hindi nila inaasahan ang inasal ng kanilang tauhan.

Idinagdag pa nila na guma­gawa na sila ng paraan na ipaalam sa mga emple­yado ang tamang pagtrato sa mga kostumer.

vuukle comment

GRETCHEN CUSTODIO DIEZ

TRANSGENDER WO­MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with