^

Metro

3 gunrunner bulagta sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 gunrunner bulagta sa buy-bust
Sa ulat ni Manila Police District-Station 5 commander, Supt. Igmedio Bernaldez kay MPD director, Senior Supt. Vicente D. Danao, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawa sa mga nasawing suspek habang ang isa ay kinilalang si Robert Pagtaluna, alyas Oteb.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tatlong  pinaniniwalaang miyembro ng ‘gunrunning syndicate’ ang napatay ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation na nauwi sa engkwentro sa Port Area, Maynila, kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ni Manila Police District-Station 5 commander, Supt. Igmedio Bernaldez kay MPD director, Senior Supt. Vicente D. Danao, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawa sa mga nasawing suspek  habang ang isa ay kinilalang si Robert Pagtaluna, alyas  Oteb.

Nabatid na bandang alas- 2:10 ng madaling araw  nang  maganap ang buy-bust operation sa Baseco Compound, ang lugar na napagkasunduang magkikita.

Sa gitna ng transaksiyon, sa halip na magkapalitan ng binibiling baril at kabayaran, bumunot umano ng baril ang mga suspek nang makahalata na set-up ang nangyayari.

Unang pinutukan ang katransaksiyon na mga pulis hanggang sa magkapalitan na ng mga putok at nagsilutangan na ang mga nakaposteng back-up na mga operatiba at nakipagputukan na rin  sa mga tumatakas na suspek sa bahagi ng Block 1, Gasangan, Baseco Compound, kung saan sila bumulagta.

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang motorsiklo na walang plaka na gamit ng mga suspect; apat na iba’t ibang uri ng baril, at isang hand grenade.

Bukod sa baril, natuklasan din ang dalang shabu ng mga suspek.

vuukle comment

CRIME

GUN RUNNERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with