^

Metro

Lady prosecutor ng Ombudsman, pinatay sa QC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lady prosecutor ng Ombudsman, pinatay sa QC
Ang biktima ay nakilalang si Atty. Madonna Joy Ednaco-Tanyag, Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na nakatira sa Starlight residence Starlight St., Rancho 3, Concepcion 2, Marikina City.
File

5-buwan na buntis

MANILA, Philippines — Patay ang isang piskal sa Office of the Ombudsman na limang buwang buntis   matapos na pagsasaksakin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa harap na isang lotto outlet sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Atty. Madonna Joy  Ednaco-Tanyag, Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na nakatira sa Starlight residence Starlight St., Rancho 3, Concepcion 2, Marikina City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-11:20 ng tanghali sa harapan ng lotto outlet na matatagpuan sa Visayas Avenue, Brgy. Vasra, Quezon City.

Ayon sa report, nasa loob ng kanyang kotse ang piskal nang lapitan ng salarin at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakalabas pa ng kotse  ang biktima pero bumagsak    na rin sa kalsada at nang makitang nakalugmok na ito ay mabilis na tumakbo papalayo sa crime scene ang suspek.

Habang ang piskal ay isinugod pa sa East Ave­nue Medical Center subalit idineklara itong dead-on-arrival dakong alas-12:04 ng tanghali.

Sa ngayon ay nagsasa-gawa pa ng masusing imbes­tigasyon ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal In­vestigation and Detection Unit (CIDU) para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

Noong nakalipas na May 11, 2018 ay pinatay din si Quezon City Deputy City prosecutor at Chief inquest Rogelio Velasco sa  Don An-tonio St., Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit,  Quezon City.

Hindi pa man nareresolba ang pagpatay kay Velasco ay pinatay naman si piskal Madonna Joy. 

BUNTIS

MADONNA JOY EDNACO-TANYAG

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with