^

Metro

100 body cam bigay ng Grab sa MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
100 body cam bigay ng Grab sa MMDA
Sa flag ceremony kaha­pon na isinagawa sa tangga­pan ng MMDA, mismo sa harapan ng mga kawani ay tinanggap ni Chairman Danilo Lim ang donasyon na nasa 100 body cameras mula kay Brian Cu, head ng Grab Phlilippines.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Para sa pagtataguyod nang “transparency” sa pang­huhuli ng mga traffic violator at protection na rin ng mga enforcer at motorista, nasa 100 body cameras ang tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa flag ceremony kaha­pon na isinagawa sa tangga­pan ng MMDA, mismo sa harapan ng mga kawani ay tinanggap ni Chairman Danilo Lim ang donasyon na nasa 100 body cameras mula kay Brian Cu, head ng Grab Phlilippines.

Pinasalamatan ni Lim si Cu, dahil ang mga body ca­meras ay malaki ang maitutulong sa pagmamantina ng daloy ng trapiko sa Metro Manila para sa pagpo-promote ng transparency sa panghu­huli ng traffic violators.

“Ito yung mga gamit na kailangan namin. This will go a very long way in terms of ma-king a difference sa pagganap ng tungkulin ng ating mga traffic enforcers. Napakahalaga nito. Maraming maraming salamat. Patuloy tayong magtulungan para sa ikabubuti ng Metro Manila,” ani Lim.

Gayunman, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na hindi ligtas sa huli ang mga driver ng  Transport Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng  Grab Philippines kung sila ay lalabag sa batas trapiko.

“Wala kaming inilalabas na ganung order. Gusto na-ting ipakita ang transparency. Makita natin ang mga traffic enforcers pag minumura, ina­away or sinasaktan sila. Sa motorista naman, pag nanghihingi ng lagay,”  ani  Garcia.

Ang mga body cameras ay ibibigay sa mga traffic enforcers na nagbabantay sa EDSA at ilang panguna-hing lansangan pagkatapos nilang magsanay.

Umaasa naman ang pri-badong kompanya na makakatulong ng lubos ang mga body cameras sa pagma-manage ng trapiko sa Kamaynilaan.

“We are one with the MMDA. They need eyes on the road. They need to be visible during any apprehension or any part of their work para hindi masasabing may kalokohang nangyayari,” paliwanag ni  Leo Emmanuel Gonzales, head ng Grab Phi-lippines Public Affairs. 

vuukle comment

BODY CAMERAS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC VIOLATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with