^

Metro

Doktora kinatay sa loob ng bahay

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ang isang doktora  sa loob ng kuwarto nito, kahapon ng mada-ling araw sa Las Piñas City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dra. Harivelle Chairmaine Tapoan Hernando, 62, ng Doña Manuela Subd., Brgy. Pamplona 3 ng nasabing lungsod, doktora at  dean  sa School of Medicine ng Perpetual Help University.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspect at nagsasagawa pa ng follow-up sa insidente.

Sa report na natanggap ng hepe ng Las Piñas City Police na si Sr. Supt. Marion Balolong, alas-2:25 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang duguang biktima, na tadtad ng saksak at wala ng buhay sa loob ng kuwarto nito.

Nabatid na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang kasambahay ng biktima na si Jovy Asero upang magpatulong dahil sa may nangyayaring ingay umano sa loob ng kuwarto ng kanyang amo na si Dr. Hernando.

Agad naman nagresponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar na kung saan pinuwersang sirain ang master’s  bedroom ng biktima dahil sa nakakandado ito.

Nang kanilang mabuksan ang pintuan ng silid dito na tumambad ang duguan at wala ng buhay na biktima.

Ayon kay Balonglong, hawak nila ngayon ang kasambahay ng biktima na si Asero na kanila rin itinuturing na “person of interest” sa naganap na krimen.

Bukod pa aniya dito nagsasagawa rin sila ng masusing imbestigasyon sa sinasabing dating driver na tinanggal umano ng biktima sa trabaho.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa insidente. 

vuukle comment

DOKTORA

SAKSAK AT PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with