^

Metro

Scooter vs van: 2 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sa­kay ng isang scooter makaraang sumalpok sa isang rumaragasang van, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang mga nasa-wi na sina Joselito Galang, Jr., 47, at Famous Garcia, 41.

Arestado naman at nahaharap sa kasong double homicide through reckless imprudence si Eufemio Obre­ro, Jr., 47.

Sa ulat ng Vehicular Traffic Incident Investigation Unit ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw  sa kahabaan ng Gov. Pascual Street sa Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Minamaneho ni Garcia ang kanyang Yamaha Mio scooter at angkas si Galang na kapwa patungo ng Monumento nang salpukin sila ng Mistubishi L300 FB van na minamaneho naman ni Obrero makaraang bahagyang kainin ng behikulo ang bahagi ng lane na scooter.

Kapwa tumilapon ang dalawang biktima at napailalim pa sa van na nag­re­sulta sa malulubhang pin­sala.  Nirespondehan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente at isinugod sa Tondo Medical Center ang dalawang biktima ngunit kapwa hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

PATAY

SCOOTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with