^

Metro

QC govt., SMC lumagda na sa MOA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

500 drug surrenderees bibigyang hanapbuhay 

MANILA, Philippines -  Lumagda na kahapon sa isang memorandum of agreement (MOA) si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at San Miguel Corporation Chief Finance Officer Raoul Romulo para mabig­yan ng trabaho ang may 500 drug surren­derees sa lungsod sa isang simpleng seremonya sa QC hall.

Sinabi ni Belmonte na ang mabibigyan ng trabaho ay mula sa 8,558 o mula sa kabuuang 16,000 surrenderees ng lungsod. Walumput-walong porsiyento rito ay mga lalaki, 11.62 percent ay babae na mula 36 hanggang 40 years old.  Anya 5,081 dito ay unemployed at 2,539 ay employed.

Binigyang diin ni Belmonte na kawalan ng trabaho ang pangunahing problema kaya’t natututong magdroga ang karamihan kayat mina­buti nilang humanap ng mga private companies na handang maglaan ng hanapbuhay sa mga nagbabalik loob na drug surrenderees.

“Bukod po sa SMC na kakontrata ang EEI sa pagtatayo ng MRT 7 sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga drug surrenderees, mayroon din po tayong iba pang private companies na kausap para magkatrabaho ang iba pang surrenderees, bukod pa sa ‘Tindahan ni Ate Joy Project’ para sa mga kababaihan”, dagdag ni Belmonte.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Romulo na ang proyektong ito ni Belmonte ang kauna-una­hang partnership ng kompanya sa LGU para matulungan ang mga drug surrenderees na gustong magbago at magkaroon ng trabaho.

Ayon pa kay Romulo, maaari pang madagdagan nila ang bilang ng mga surrenderees na mabibigyan nila ng hanapbuhay depende sa pangangailangan ng proyekto at maaari ring mairekomenda sa iba pang kompanyang nasa ilalim ng SMC.

Sinabi naman ni Permo Sarsoza ng EEI na sasalain din nila ang mga drug surenderees­ na ire­rekomenda ng QC Anti Illegal Drug and Abuse Advisory Council (QCADAAC) ni Bel­monte para matiyak kung saan ilalagay na trabaho ang mga aplikante depende sa kanilang qualifications.

vuukle comment

MOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with