Inventory ng droga sa PNP Crime Laboratory inutos ni Gen. Bato
MANILA, Philippines - Matapos na maalarma sa pagkakaaresto ng isang opisyal ng pulisya na nahuling nagsa-shabu sa Las Piñas City, iniutos na kahapon ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa ang imbentaryo ng illegal na droga sa PNP-Crime Laboratory sa Camp Crame.
Ito’y matapos na lumitaw na positibo sa pagga-mit ng droga ang suspect na si Supt. Lito Cabamo-ngan, dating hepe ng PNP-Crime Laboratory Satellite Office sa Muntinlupa City bago ito nalipat sa General Assignment Section sa PNP Crime Laboratory sa National Headquarters ng PNP.
Gayundin, upang mabatid kung may katotohanan ang mga napapabalitang nagre-recycle ng droga ang ilang mga tiwa-ling pulis.
Partikular na inatasan ni dela Rosa si Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa pamumuno ni Director Augusto Marquez para magsagawa ng inventory.
Samantala, maliban sa pag-iimbentaryo sa mga nakumpiskang droga na nasa storage facility ng PNP Crime Laboratory ay nais ding mabatid ni dela Rosa kung hindi ito napapalitan ng mga peke tulad ng tawas.
Inihayag pa ni dela Rosa na agad isasalang sa summary dismissal si Cabamongan kapag nagpositibo ito sa confirmatory drug testing.
- Latest