^

Metro

8 pa bulagta sa Makati at Pasay

SHOWBIZ UPDATE - Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong bangkay ng kalalakihan na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Makati at Pasay City, kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Nabatid na pawang mga nakabalot ng packaging tape ang mga mukha, nakatali ang mga kamay at paa, may mga saksak at tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga natagpuang bangkay.

Ayon sa report ng Pasay City Police, alas-10:30 ng gabi unang matagpuan ang bangkay ni Dennis Magdilira, 32, sa bahagi ng Buendia Avenue, Brgy. 37,  Zone 3, Pasay City, na  may karatula sa ibabaw nito na nakasulat ang mga katagang “barker, adik-pusher, wag tularan”.

Alas-11:15 ng gabi natagpuan din ang bangkay ni Efren  Escrupulo, 34, na may nakalagay ding karatula na may katagang nakasulat na “barker, snatcher at adik”.

Natagpuan ang isa pang bangkay na nakilalang si Edgardo Lonseras, 34, kahapon ng madaling araw sa Brgy. 190, Zone 20 na may karatula ring “huwag tularan adik, holdaper at barker” at narekober sa bulsa nito ang isang plastic sachet na naglalaman ng marijuana.

Alas-12:30 ng madaling araw, nadiskubre rin ang bangkay nina June Casan, 54, at Ricardo Medina, 22, sa kahabaan ng Cuneta Avenue, Brgy. 77, Zone 10, Pasay City.

Nasakasulat sa papel na iniwan dito ang mga salitang “huwag tularan karnaper, holdaper, pusher adik at barker, susunod na kayo”.

Sa Makati City, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng isang lalaki sa Morse St. Brgy. San Isidro, Makati City.

Makalipas ang kalahating oras, ala-1:00 ng madaling araw ay ini-report ng mga barangay tanod ang nakitang dalawang bangkay ng lalaki sa Mascardo St., Brgy. Bangkal ng naturang lungsod at nakasulat sa iniwang karatula dito ang mga katagang nakasulat na “huwag tularan, bukas kotse, holdaper, tulak droga, holdaper ako”.

vuukle comment

SUMMARY EXECUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with