^

Metro

Condo unit nilooban, sinunog: 1 patay, 2 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang guro habang dalawa pa ang suga­tan kabilang ang isang pulis matapos sunugin ng dalawang kawatan ang isang unit ng condominium na kanilang nilooban, kahapon ng mada­ling araw sa Parañaque City.

Dead on arrival  sa Para­ñaque Doctors Hospital ang biktimang si Rolina Aclon, 34,  naninirahan sa Unit 503 Kassel Residences, Brgy. Moonwalk ng nasabing lungsod ma­tapos itong ma-suffocate sa ginawang panununog.

Kapwa naman ginagamot sa nasabi pa ring ospital sina SPO4 Charlie Bayoca, hepe ng Station Operation Unit ng Parañaque City Police na na-suffocate din at ang guwardyang si Alan Jun Daradar na binaril naman sa tiyan ng dalawang suspect.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at nagsasagawa na ng follow-up operation laban dito.

Sa natanggap na ulat ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa pag-aaring unit ng isang Rowena Garcia ng 403, ng nabanggit na condominium

Nabatid na ang unit ni Garcia na wala nang mga sanda­ling iyon na nasa ikaapat na palapag ang siyang nilooban ng mga suspect at pagka­tapos na pagnakawan ay sinunog pa.

Agad na lumaki ang apoy kung saan naipit sa makapal na usok ang gurong si Aclon na natutulog sa ika-limang palapag.

Habang papatakas naman ang mga suspect, nakita sila ng guwardyang si Daradar, dahilan upang sitahin ang mga ito pero  binaril ng mga ka­watan.

Narinig naman ng kasamahan ni Daradar na isa ring guwardya na si Lemuel Roy Sambayon Tahil ang putok ng baril na nagmumula sa ikaapat na palapag, dahilan upang kaagad nitong puntahan.

Dito tumambad kay Tahil ang duguang si Daradar, kung kaya’t dali-dali nitong ini-report sa himpilan ng pulisya ang insidente.

Hindi naman kaagad nakalabas ng naturang condominium ang mga suspect na posibleng doon nagtatatago.

Dahil dito, pinalabas ng mga nagrespondeng pinagsanib na pwersa ng Special Weapons and Tactics Unit at Police Community Precinct (PCP) 6, Parañaque City Po­­lice ang lahat ng  mga residente ng naturang condominium.

Gumamit ng tear gas ang mga tauhan ng SWAT sa loob ng nasabing building upang palabasin ang mga suspect, na umabot ng 11 oras ang kanilang manhunt operation,  subalit nakatakas na rin ang mga kawatan.

Dito nadiskubre ng mga awtoridad ang biktimang si Alcon, na umookupa sa Unit 503 dahil na suffocate ito sa sunog na nilikha ng mga suspect at kaagad itong dinala sa naturang ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Kasama sa dinala sa naturang ospital ang mga suga­tang sina SPO4 Bayoca at Daradar. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Parañaque City Police ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ALAN JUN DARADAR

ANG

ARIEL ANDRADE

ATILDE

CHARLIE BAYOCA

CITY PO

CITY POLICE

DARADAR

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with