^

Metro

Bangkay nakasako sa loob ng KTV

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hindi pa nakikila­lang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa sako ang natagpuan sa loob ng isang ginagawang KTV bar sa Pasig City kahapon ng umaga.

Dakong alas-10 ng uma­ga kahapon ng madis­kubre ang naaagnas ng bang­kay sa loob ng nire-renovate­ na Violet KTV bar sa #52 Urbano Velasco Ave., corner Acacia St., Brgy.
Pi­nagbuhatan, Pasig City.

Ayon kina Fernando Bar­daje at Domingo Avila, kapwa construction worker, abala sa pagkukumpuni sa KTV bar nang makalanghap sila ng masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng bar.

Tinunton ng dalawa ang pinagmumulan ng amoy hang­­gang makita nila ang isang sako na nakatali.

Binuksan nila ang sako at nakita sa loob ang isang itim na garbage bag kung saan nakasilid ang bikitma. Nakaposas ang kamay at paa ng biktima na hinihinalang pinahirapan muna bago tuluyang pinatay sa saksak.

Hinala ng pulisya, sa ibang lugar pinatay ng biktima at  dinala lamang sa ginagawang KTV bar upang iligaw ang imbestigasyon.

Samantala, bangkay din ng isang lalaki  na inilarawang  nakasuot ng kulay pulang polo shirt, puting short pants, nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’3 at kayumanggi ang natagpuang may tama ng bala sa kanyang ulo habang nakahandusay sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Roldan Cornejo ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima ay nadiskubre ng isang Nanjie Macarampat, barangay tanod sa Brgy. Culiat, sa may Lanao St., Al Salaam Mosque compound, Barangay Culiat, ganap na alas-8 ng umaga. Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente. (Ricky T. Tulipat)

vuukle comment

ACACIA ST.

ACIRC

AL SALAAM MOSQUE

ANG

BARANGAY CULIAT

BRGY

DOMINGO AVILA

FERNANDO BAR

ISANG

PASIG CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with