^

Metro

2 dayuhan biktima ng ‘rugby boys’ sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang dayuhan kabilang ang isang Polish at isang Indian  ang kapwa naagawan ng gintong kuwintas at hikaw ng mga rugby boys na nagkalat sa Maynila.

Sa reklamong idinulog sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ni Joanna Sychovics, 26, tubong Poland, civil engineer at nanunuluyan sa Adriatico, Malate, Maynila,  naglalakad sila ng nobyong si Maciej Michalek sa Soler St. Binondo, Maynila  dakong alas-3:05 ng hapon nitong Biyernes, nang biglang hab­lutin ang kaniyang hikaw.

Dahil sa paghingi ng saklolo sa mga tao ay nadakip naman ang suspek na si Val Catucod, 29, subalit hindi na narekober ang hikaw na posibleng ipinasa sa kasamahan.

Bandang alas -6:00 ng hapon nang agawan naman ng kwintas si Apeorsia Hanne, 22,  estudyante,at nanunuluyan sa UPHSD Dormitory sa Las Pinas City.

Naglalakad umano sa gilid ng Indian Temple sa Paco, Maynila ang biktima nang hablutin ng suspek na nasa edad 18-20 ang suot niyang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P20,000.

Pinaniniwalaang ang mga nagkalat na rugby boys ang gumawa ng dalawang snatching dahil sa paglalarawan ay akma sa mga lalaking nasa kalye na may hawak ng plastik at sinisinghot ang laman nito habang nasa kalye.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APEORSIA HANNE

INDIAN TEMPLE

JOANNA SYCHOVICS

LAS PINAS CITY

MACIEJ MICHALEK

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

SOLER ST. BINONDO

VAL CATUCOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with