^

Metro

Kuya todas sa utol

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 20- anyos na binata nang saksakin ng kaniyang nakababatang kapatid sa loob ng kanilang bahay nang dahil sa pag-aagawan sa pagiging pahinante ng kanilang ama na trailer truck driver sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Me­dical Center (GABMMC),ang biktimang si John Michael Valencia,  ng BS 45,C-2 Road, Capulong,Tondo, Maynila subalit binawian din ng buhay dahil sa saksak na tinamo sa kaliwang dibdib.

Tumakas naman ang utol nitong suspek na si Jojo Valencia, 17, kapatid ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas- 3:40 ng madaling araw sa loob ng bahay ng pamilya Valencia.

Sa naging salaysay ng kanilang ate na si Jennica Valencia, 24, narinig niya na nagtatalo ang dalawa hinggil sa kung sino ang sasama sa kanilang ama sa biyahe ng truck.

Nang matindi na ang pag-aaway ay pinuntahan niya ang mga  ito upang awatin subalit huli na dahil nasaksak na umano ng suspek ang kaniyang kuya na agad na isinugod na lamang sa pagamutan.

Napag-alaman na iginigiit umano ng nasawi na siya naman ang sasama sa ama sa pagbiyahe dahil madalas umanong ang suspek ang kasama na ikinagalit ng huli at nauwi sa kanilang pag-aaway. (With trainees Andrea Abello at Apple Cagata)

vuukle comment

ACIRC

ANDREA ABELLO

ANG

APPLE CAGATA

CAPULONG

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL ME

JENNICA VALENCIA

JOHN MICHAEL VALENCIA

JOJO VALENCIA

MAYNILA

NAISUGOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with