^

Metro

2 pulis na nakipagbakbakan sa 2 holdaper, pararangalan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paparangalan ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang dalawang pulis na walang takot na nakipagbakbakan sa dalawang kilabot na holdaper na nagresulta ng pagkamatay ng isa sa mga suspek at ikinadakip ng isa pa, sa naganap na ‘running gun battle’ sa Pasig City, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Elmer Jamias, EPD director, irerekomenda niya na bigyan ng spot promotion to the next higher rank sina PO2 Catherine Capinpin, nakatalaga sa Public Information Office (PIO) ng EPD at PO2 Jay Laila, nakatalaga sa PCRG Camp Crame.

Sina Capinpin at Laila ay walang takot na nakipagha­bulan sa dalawang kilabot na holdaper na ikinamatay ng isa, na kinilalang si Rodel Gamaro at ikinadakip naman sa isinagawang hot pursuit at follow up operation si Jezreel Bierra.

Bago ang barilan ay hinoldap ng dalawang suspek na tandem sa isang motorsiklo, ang biktimang si Rogelio Tabios Sr., 65, ng 370 Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Caniogan, Pasig City.

Ayon sa report, ipinarada ni Tabios ang kanyang Toyota Fortuner sa gilid ng kalsada para bumili ng buko juice pero nilapitan siya ng dalawang suspek, tinutukan ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang gintong bracelet, na nagkakahalaga ng P50,000 saka tumakas.

Agad naman nakahi­ngi ng tulong si Tabios kina PO2’s Capinpin at Laila na sakay din ng motorsiklo na napadaan sa lugar at hinabol ang dalawang suspek pero sa halip na huminto ay agad silang pinaputukan na maswerte namang hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang dalawang pulis na nagresulta para tamaan ang rider at mahulog habang ang isa pa ay mabilis na tumakas pero nadakip din matapos ang hot pursuit operation sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Narekober din nina Capin­pin at Laila ang bracelet ng biktima at isang kalibre .38 baril mula sa suspek na kanilang napatay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY PALATIW

CAMP CRAME

CATHERINE CAPINPIN

DALAWANG

DR. SIXTO ANTONIO AVENUE

EASTERN POLICE DISTRICT

LAILA

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with