^

Metro

2 motorsiklo kinarnap sa Mandaluyong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkasunod na kinarnap ang dalawang motor­siklo na nakaparada sa isang parking­ area sa Mandalu­yong City kamakalawa ng hapon.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-4:20 ng hapon kung saan ay tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang Yamaha Mio na may plakang NE-28761 na pag-aari ni Erika Baltazar, residente ng Kalentong St., Brgy. Pag-Asa, Mandaluyong City.

Ayon kay Baltazar, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo sa pay parking area ng Kalentong Market pero noong balikan nito matapos
lamang ang mahigit isang oras ay nawawala na ang kanyang sasakyan kaya nag­tungo na lamang sa him­pilan ng pulisya upang i-report ang insidente.

Dakong alas-5:30 naman ng hapon noong karnapin ang motorsiklo na pag-aari ni Jose Ancheta na residente ng Arkong Bato St. Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Sinabi ni Ancheta, ipinarada niya ang kanyang motor na Yamaha Mio Sport na may plakang NE-18468 sa harap ng isang Resto Bar sa San Rafael St., Brgy. Plain­view, Mandaluyong para bumili ng makakain.

Nang balikan ni Ancheta­ ang kanyang motor ay na­wawala na ito kaya nagtungo rin siya sa himpilan ng pulisya upang magreklamo.

Hinihinala ng pulisya na isang grupo lamang ang may kagagawan ng magkasunod na karnapan na siyang subject ngayon sa ginagawang masusing im­bestigasyon at follow up ope­ration ng pulisya para matukoy at madakip ang mga kawatan.

vuukle comment

ACIRC

ANCHETA

ANG

ARKONG BATO ST. BRGY

BRGY

ERIKA BALTAZAR

JOSE ANCHETA

KALENTONG MARKET

KALENTONG ST.

MANDALUYONG CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with