^

Metro

MTPB nagsagawa ng clearing operation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginalugad ng mga tauhan ng Manila Traffic and Par-king Bureau (MTPB) ang iba’t ibang  lugar sa Maynila kung saan isinagawa ang clearing operations.

Kabilang sa mga lugar ay Ruby St; Granate St. at Topacio St. panulukan ng Zobel Roxas St.; Ma. Orosa; ilalim ng Legarda flyover;  Tayuman St.; Rizal Ave; Quiricada St.; Taft Ave. at Quezon Ave. sa Quiapo.

Ayon kay MTPB Director Carter Don Logica, ang clea-ring operation ay isina­gawa laban sa mga ille­gally park vehicles at mga obstruction sa ilang mga kalsada na maaari pang daanan o alternate route ng mga sasakyan.

Sinabi ni Logica na ang kanilang puspusang clea-ring operation ay bilang tu­long sa ginagawa ng pa­ma­halaan upang maibsan ang  masikip na daloy ng mga sasakyan sa ilang mga pangunahing kalsada.

Nabatid na personal na pagmamando sa mga sasak­yan ang ginagawa ni Logica upang mapabilis ang daloy ng mga sasakyan partikular na ang mga public utility vehicles.

Partikular na tinukoy ni Logica ang panulukan ng Recto at Abad Santos kung saan mismong sa gitna ng mga kalsada nagbababa at nagsasakay ang mga PUJ.

Paliwanag ni Logica, kai-langan na sanayin ang mga driver ng tamang lugar ng babaan at sakayan ng mga pasahero.

Giit ni Logica, nais lamang nilang sumunod ang lahat ng motorista sa batas trapiko upang maiwasan ang anumang abala at aksidente.

vuukle comment

ABAD SANTOS

ACIRC

ANG

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

GRANATE ST.

LOGICA

MANILA TRAFFIC AND PAR

MGA

QUEZON AVE

QUIRICADA ST.

RIZAL AVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with