^

Metro

Doktora, nabiktima ng Budol-Budol Gang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa P200,000 halaga ng mga relo at alahas ng  isang  doktor ang natangay ng miyembro ng ‘Budol-Budol Gang’ mula sa kasambahay nito sa Sta. Cruz, Manila, kamakalawa. Agad na nag-report sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section si Dra. Lesley Anne Guevarra, 29, residente ng  Malate, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni PO3 Jay Jacob, kay Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, tumawag umano ang suspek sa kanyang katulong na si Almira Renacia Najal at sina­bing naaksidente siya at inutusan na dalhin ang kanyang mga alahas at pera sa may Doroteo Jose sa Sta. Cruz, Manila. Una umanong naghinala si Najal na miyembro ng sindikato ang ka­usap sa telepono kaya tinawagan si Guevarra, pero nang hindi ito sumagot naniwala na ang una na naaksidente nga ito kaya binitbit ang mga alahas at dinala ito sa napag-usapang lugar.

Pagdating sa lugar isang babae umano ang sumalubong kay Najal at kinumusta pa nito ang amo, pagkakuha sa paper bag na nag­lalaman ng alahas ay inatasan si Najal na maghintay kasunod noon ay nakatanggap ng tawag si Najal at inatasan siya na mag­hintay. Natuklasan lamang niya na nabiktima siya ng ‘Budol budol gang’ nang madiskubre nito na ang kanyang among doktora­ ay kasalukuyang nasa ospital na kanyang pinagtatrabahuhan.

vuukle comment

ACIRC

ALMIRA RENACIA NAJAL

ANG

ARSENIO RIPARIP

BUDOL-BUDOL GANG

CHIEF INSP

CRUZ

DOROTEO JOSE

JAY JACOB

LESLEY ANNE GUEVARRA

NAJAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with