^

Metro

Truck vs motorsiklo: 2 patay, 1 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawa sa tatlong binatang sakay ng isang motorsiklo makaraang makabundulan ang isang cargo truck sa  Caloocan City,  kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Elenard Barcelona, 21, at Joshua Yap, 19, kapwa ng Block 30 Lot 9 Langaray Street, Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod. Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Hospital ang ikatlong biktima na si Russel Molina, 20, ng Maryland Homes, Meycauayan, Bulacan.

Nadakip naman ang driver ng trak na si Romeo dela Cruz, 44, ng Matang Tubig, Baliuag, Bulacan. Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at frustrated homicide.

Sa ulat ng pulisya, magkakaangkas sa isang motorsiklo ang tatlo dakong alas-12:50 ng madaling-araw at binabagtas ang kahabaan ng B. Serrano Avenue nang mabundol nang patawid na Isuzu cargo truck sa may 10th Avenue.

Tumilapon sina Yap at Molina na pawang backriders habang nagulungan ng trak ang nagmamanehong si Barcelona. Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo sina Yap at Molina habang agad na nasawi si Barcelona dahil sa pagkakadurog ng katawan.

vuukle comment

BULACAN

CALOOCAN CITY

ELENARD BARCELONA

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

JOSHUA YAP

LANGARAY STREET

MARYLAND HOMES

MATANG TUBIG

MOLINA

RUSSEL MOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with