^

Metro

Mister, 3-anyos todas sa ligaw na bala

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang isang mister at isang 3-anyos na batang babae matapos ta­maan ng ligaw ng bala sa isang lamayan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Medical City sa Pasig City ang mga biktimang sina Lino Buenaflor, 50; at Xyriel Andal, pawang mga taga-Kalayaan St., Brgy. Ususan ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Samantala, hanggang sa  ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung sino ang taong responsable sa pamamaril.

 Sa report na natanggap ni Police Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, naganap ang in­sidente alas-8:00 ng gabi sa isang  lamayan sa panulukan ng Kalayaan at P. Mariano Sts., Brgy. Ususan ng na­tu­rang lungsod.

Nabatid na habang naki­ki­pag­lamay si Buenaflor at nag­lalaro naman si Andal sa na­turang lugar, ay biglang umali­ngawngaw ang ilang putok ng baril.

Kung saan dito nakita ng ilang mga naglalamay na duguang bumagsak ang mga biktima, dahilan upang agarang isinugod sa nabanggit na pagamutan, su­balit kapwa hindi na nakarating ng buhay.

May hinala ang pulisya, na posibleng biktima ng ligaw ng bala ang mga biktima.

Nagsasagawa pa ng ma­lalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insi­dente.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

BRGY

KALAYAAN ST.

LINO BUENAFLOR

MARIANO STS

MEDICAL CITY

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with