^

Metro

Binata tigok, 1 pa sugatan sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang binata habang sugatan naman ang isang ginang na nadamay, makaraang pagbabarilin ang una ng isang suspect matapos ang pagtatalo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nasawi si Michael Barco, 28, ng Lot 12, Block 12, Jordan St., Natividad Phase 1, Vitara Caloocan City; habang ang sugatan naman ay si Angie Almasco, 46, Ibong Pilak, Brgy. Sta Monica, Novaliches sa lungsod.

Isinalarawan ang salarin  na nakasuot ng  itim na maong pants, at sakay ng isang Suzuki skydrive 125 na motorsiklo at for registration ang plaka. Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspect at iniwan sa lugar ang kanyang motorsiklo.

Ayon kay SPO1 Erickson Isidro, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Ibong Pilak Kaliwa, Sitio Arguadiente, Brgy. Sta Monica, Novaliches sa lungsod, ganap na alas 9:45 ng gabi.

Bago ito, naglalakad sa nasabing lugar si Almasco para hanapin ang kanyang anak na lalaki nang makita niya ang biktima at suspect na nag-uusap dito.

Batay sa ulat ng Police Station 8, narinig niya ang suspect na nagsa­bing “kumusta, may atraso ka pa” kung saan sumagot naman si Barco ng “Bigyan mo lang ako ng konting panahon.” Biglang nagbunot ng baril ang suspect at pinagbabaril si Barco sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa takot naman ay nagtatakbo papalayo si Almaso pero napuna niyang may tama siya ng bala sa kanang balikat.  Agad ding isinugod si Almasco sa Novaliches hospital, bago tuluyang inilipat sa East Avenue Medical Center kung saan siya inoobserbahan.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .9mm na baril at isang Suzuki skydrive 125 na walang plaka. Nagtamo naman ng multiple gunshots wound ang biktima sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

vuukle comment

ALMASCO

ANGIE ALMASCO

BARCO

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERICKSON ISIDRO

IBONG PILAK

NOVALICHES

STA MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with