^

Metro

Matapos ang naganap na pagsabog 12 gang leaders sa NBP, binartolina

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon nI Justice Secretary Leila de Lima ang pagbartolina sa may 12 gang leaders makaraan ang pagsabog na naganap sa loob ng  maximum security compound ng New Bilibid Prison kamakalawa.

Ayon kay De Lima ka­ilangan na munang i-isolate ang mga gang leaders dahil ang mga ito ang siyang sinusunod ng kanilang mga kasamahan sa kulungan.

Kailangan aniya na mabigyan ng disciplinary actions­ ang mga ito dahil mas lalong binabaon ng mga ito sa kontrobersiya ang Bureau of Corrections.

Malaking kuwestiyon din kay De Lima ang uri ng bomba na ginagamit. Nangangahulugan lamang umano na may mga naka­tago pang mga armas sa loob ng piitan.

Matatandaang napa­sugod si De Lima at ang National Bureau of Inves­t­i­gation (NBI) sa Bilibid ma­tapos sumabog ang isang granada kama­kalawa.

Itinuturing din ni Sec­re­tary De Lima na di­ver­­­sionary tactics ang  pag­sabog at posibleng nais lamang na lituhin ng mga responsable dito ang kanilang isinasagawang imbestigasyon  sa mga kinasa­sangkutan ngayon sa BuCor.

Sinabi ni De Lima na marami silang sinisilip na posibilidad at seryoso nilang sinusuri ang bawat aspeto ng pangyayari.

Magugunitang nasawi sa naturang pagsabog ang preso na si Jojo Sampo ng Commando gang.

Maliban dito, may 19 na iba pa nasugatan. Magugunitang ilang ulit nang ni-raid ang NBP, ngunit sa bawat pagsalakay ng DoJ at NBI ay tambak ng mga kontrabando ang kanilang nakukuha.

Kahapon ay muling nakasamsam ng matataas na kalibre ng baril, pampa­sabog, bala, sumpak, pa­talim, aircon units, flat screen TV, computer, re­frigerator at DVD players.

Samantala, sinuspinde rin pansamantala n g BuCor ang visiting hour o pri­vileges sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

JOJO SAMPO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAGUGUNITANG

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with