^

Metro

Lola kritikal sa saksak ng apo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 60-anyos na lola makaraang saksakin ng sariling apo na nainis sa panenermon ng una, kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Inoobserbahan ngayon sa Pagamutang Bayan ng Malabon dahil sa tinamong  saksak sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Lydia Malonzo, balo, at residente ng E. Jacinto Street, Brgy. Concepcion, ng naturang lungsod. Agad namang nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek na si Hermar Malonzo, 23, residente rin ng naturang lugar.

Sa inisyal na ulat, kauuwi lamang ni Malonzo dakong alas-9 na ng umaga at nais nang matulog nang salubungin ng sermon ng lola nito.  Tuluy-tuloy umano sa litanya ang matanda hanggang sa magtungo sa kusina ang apong suspect, dumampot ng kutsilyo at sinaksak ang sariling lola.

Nagawa namang makahingi pa ng saklolo sa mga kapitbahay ni Lola Lydia kaya mabilis itong naisugod sa pagamutan habang nadakip ang apong suspek. Nakadetine ngayon sa Malabon Police detention cell ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong frustrated parricide.

 

vuukle comment

BRGY

CONCEPCION

HERMAR MALONZO

INOOBSERBAHAN

JACINTO STREET

LOLA LYDIA

LYDIA MALONZO

MALABON CITY

MALABON POLICE

PAGAMUTANG BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with